OPISYAL NA LATHALAANG-ONLINE NG PUBLIKASYON NG MGA MAG-AARAL NG KOLEHIYO NG INHINYERIYA SA PAMBANSANG PAMANTASAN NG KATIMUGANG LUZON (SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY), LUKBAN, QUEZON, PILIPINAS 4328
Manifesto/Credo/Palatandaan at Marka ng tatlong ‘tunay’ na blogspot
Friday, January 15th, 2010Bahagi ng rebyu-blog ni Michael C. Alegre na napublisa sa Genre Vol. 2 (Opisyal na Magasin Ng The Spark). Pinamagatan itong Lansa, Tapang at Bango: Pagsulyap sa presentasyon ng tatlong ‘tunay’ na blogspot”
Bisitahin ang buong artikulo sa link na ito: http://michaelalegre.i.ph/blogs/michaelalegre/2010/02/14/lansa-tapang-at-bango/
MANIFESTO NG TUNAY NA LALAKE
(http://tunaynalalake.blogspot.com)
1. Ang tunay na lalake ay ‘di natutulog.
2. Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot.
3. Ang tunay na lalake ay laging may extra rice.
4. Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian.
5. Ang tunay na lalake ay walang abs.
6. Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw.
7. Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake.
8. Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief.
9. Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae.
10. Ang tunay na lalake ay di nagsisimba.
CREDO NG TUNAY NA BABAE
(http://angtunaynababae.blogspot.com
1. Ang Tunay na Babae ay palaging undecided.
2. Ang Tunay na Babae ay palaging tama.
3. Ang Tunay na Babae ay palaging late ng minimum of 15 minutes.
4. Ang Tunay na Babae ay pwedeng mainis sa kapwa babae for no apparent reason.
5. Ang Tunay na Babae ay kumakanta sa banyo.
6. Ang Tunay na Babae ay nakapikit habang hinahalikan pero didilat sandali para tignan kung nakapikit din sya.
7. Ang Tunay na Babae ay hindi umaalis ng bahay na walang shaver.
8. Ang Tunay na Babae ay ngangawa sa CR at lalabas dito na parang hindi affected.
9. Ang Tunay na Babae ay magsi-shriek sa kilig sa CR at lalabas dito na parang hindi affected.
10. Ang Tunay na Babae ay nagti-text ng cryptic smileys pag di makabigay ng straight answer.
11. Ang Tunay na Babae ay kayang maging one of the boys kahit naka-stilettos.
12. Ang Tunay na Babae ay kayang hindi huminga ng tatlong oras pag naka-cocktail dress na fit.
13. Ang Tunay na Babae ay may at least isang thong.
14. Ang Tunay na Babae ay may default answer na ‘wala’ pag tinanong kung may problema ba.
15. Ang Tunay na Babae ay may corresponding song sa bawat development stage ng lovelife.
16. Ang Tunay na Babae ay hindi hinihiwalayan ng lalake. She just had enough.
17. Ang Tunay na Babae ay nagchi-check ng cellphone.
18. Ang Tunay na Babae ay hindi mauunang magsabi ng I love you.
19. Ang Tunay na Babae ay kailangan ng proof.
20. Ang Tunay na Babae ay kailangan ng proof habang buhay.
ANG MGA PALATANDAAN AT MARKA NG ISANG TUNAY NA VEYKLA (REPEAT AFTER ME)
(http://tunaynaveyklas.blogspot.com)
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


