OPISYAL NA LATHALAANG-ONLINE NG PUBLIKASYON NG MGA MAG-AARAL NG KOLEHIYO NG INHINYERIYA SA PAMBANSANG PAMANTASAN NG KATIMUGANG LUZON (SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY), LUKBAN, QUEZON, PILIPINAS 4328
Manifesto/Credo/Palatandaan at Marka ng tatlong ‘tunay’ na blogspot
Friday, January 15th, 2010Bahagi ng rebyu-blog ni Michael C. Alegre na napublisa sa Genre Vol. 2 (Opisyal na Magasin Ng The Spark). Pinamagatan itong Lansa, Tapang at Bango: Pagsulyap sa presentasyon ng tatlong ‘tunay’ na blogspot”
Bisitahin ang buong artikulo sa link na ito: http://michaelalegre.i.ph/blogs/michaelalegre/2010/02/14/lansa-tapang-at-bango/
MANIFESTO NG TUNAY NA LALAKE
(http://tunaynalalake.blogspot.com)
1. Ang tunay na lalake ay ‘di natutulog.
2. Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot.
3. Ang tunay na lalake ay laging may extra rice.
4. Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian.
5. Ang tunay na lalake ay walang abs.
6. Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw.
7. Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake.
8. Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief.
9. Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae.
10. Ang tunay na lalake ay di nagsisimba.
(more…)



