OPISYAL NA LATHALAANG-ONLINE NG PUBLIKASYON NG MGA MAG-AARAL NG KOLEHIYO NG INHINYERIYA SA PAMBANSANG PAMANTASAN NG KATIMUGANG LUZON (SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY), LUKBAN, QUEZON, PILIPINAS 4328
Bago para sa mga bago
Friday, June 12th, 2009(the scholastic curriculum for 2009-2010)
ni Al Frederick D. Juanillo
Yeah…pasukan na naman!!!
Bagong school year…
bagong classmates….
bagong looks…
bagong mundong gagalawan para sa lahat…
Para sa lahat ng freshmen…kayo naman! He-he!
Lahat, bago. S’yempre, dahil bago nga lahat, kailangang magsimula rin tayo paminsan-minsan sa bago.
Kaya this year, inilunsad na ang mga pagbabagong magaganap dito sa ating university, especially sa curriculum ng College of Engineering. Mga bagong subjects: may ‘dinagdag, may binago at yung iba nag-disappear na nang tuluyan.
At kagaya nga ng isang fashion statement na nabaon na sa baul ng kalumaan, out na rin this year ang sinaunang curriculum na ‘yan. At in naman para sa mga bagong salta (a.k.a. freshie) ang bagong bihis na curriculum na ‘to (Take note: sa incoming first year lang!).
Sa first sem ng mga 1st year students; e, wala namang masyadong nabago. ‘Andun pa rin ang mga pampalagas ng klase tulad ng College Algebra at Trigonometry. Naroon din ang mga tinatawag nating others, popularly known as minor subjects. Pero may added twist kasi andyan na ang Eng 00.
Kung regular ka pa pagdating mo ng 2nd sem, ‘eto na ang magiging subjects mo: magkakaroon ka ng mga super- heavy-gats na subjects. As in pangalan palang, pamatay na! Malamang; e, isa sa tututukan mo nang husto ang Advance Algebra na mas malupit at intense na version ng College Algebrang hinanda talaga para sa’yo. And’yan din ang bagung-bago subject na kilala sa tawag na “matigas na dugo mula sa pekpek…he-he!..naughty…naughty…o Solid Mens (Solid Mensuration) na tungkol sa mga ano…ahmmm…basta malalaman mo na lang ‘pag nandito ka pa ng 2nd sem sa unang taon mo dito. ‘Yon; e, kung hindi ka pa drop out o nag-transfer…he-he-he!
Ayon kay dean:
“Kasi ‘pag nakapag-take ka ng Solid Mens madali ng mag-solve ng mga…bulyum, bulyum…
(Peace po..he-he!…volume, volume..nga raw yun eh… eh, eh).
Kaya daw sila magagaling mag-solve nung panahon nila….
Well that’s really something…huh!
Pero ‘wag kang mag-alala, nand’yan pa rin ang hindi naman kahirapan…at wala talagang kahirap-hirap na Anal Geom (Yabang ko, ‘no? Shit! Hirap-hirap kaya talaga nun.) kaya may pag-asa ka pa…pag-asang mag-transfer…
At ayon pa ulit kay Mr. Dean:
“E yung walang Solid Mens…’Di ba hirap na hirap sila? Kelangan pa nila si Agawa…”
A gawa-gawang formula…he-he-he!…bago mai-solve ‘yong problem.”
Sa mga pampalubag-loob naman, nand’yan ang The Return of Hum 1 (Intro. to Humanities). Kailangan pa pala ng intro nun??? Sa bagay, baka may Conclusion to Humanities din…at ang The Revenge of Hum 3-Logic na matatandaang minurder at ni-rape to death nitong mga nakaraang taon…
Ayan…kung naka-survive ka sa unang taon mo dito sa College of Engineering…at kung hindi pa lagas ang klase n’yo…eto naman ang mga dapat mong paghandaan at kailangan mong suungin—ang pagpasok mo bilang isang sophomore…
Yehey!…second year ka na!
I’m so proud of you!
pa jer jer…este, pa burger ka naman!!!
Sa unang semester ay medyo madali lang. Effortless…sisiw lang…kasi ino-offer na ‘pag ganitong season ang sobrang dali din na Differential Calculus. “O ‘di ba dali lang? Gusto mo mamili ka na ng grades mo: tres? o singko?
And’yan pa rin ang mga hindi mawala-walang cast ng others. Pero and’yan na ang bago nilang member na nagtawid-bakod mula sa kabilang semester. Presenting…ang bagong talent ng 1st sem…ang Economics!
Makikilala mo run si spongebob!!!… He-he!
At kung inisip mo kung nasaan na ang Draw 2…sori, wala na eh! Pina-salvage na siya…bakit? secret…hindi ko sasabihin…isipin mo na lang, nag-evaporate siya kasama ng mga alien…o kinain ng mga leon.
Kung talagang napakatatag mo…eto naman ang mga pakikibaka na dapat mong harapin sa 2nd sem ng iyong pagiging sophomore. S’yempre, hindi mawawala ang others pero meron din silang bagong hatak mula sa kabila, ang Socio-Anthro na tatawagin natin sa screen name na…tantararan…Socio-Aids. At ang bonggang-bonggang Tech Comm na kiring version ng Eng 3… pero, sa mga naghahanap ng away, and’yan naman ang Statistics at ang kakambal ni “Dipe” na si Integral Calculus o “Integ” for short…he-he!
At kung hindi ka pa baliw o ‘di kaya kung buhay ka pa, and’yan pa rin ang mga major subjects pagdating mo ng third year and beyond. ‘Wag kang mag-alala. hindi pa tapos ang kalbaryo mo..hi-hi-hi!… Kasi andyan pa ang D.E., Math 10 at Math 11… ‘Eto naman eh, kung aabutin ka pa hane?…baka kasi mag-expect ka, ako pa sisihin mo!
Galing ‘no? Daming nabago… at isa pa, pede ka rin magpapalit-palit ng course..iisa lang naman ang lahat ng subjects ng lahat ng incoming freshmen sa unang dalawang taon nila dito.
He-he!..Eto naman po ay para i-inform ang mga students sa mga kakaharapin nila dito sa College of Engineering…at para sabihing hindi basta-basta ang kursong kinukuha nila.
Haller…engineering ka kaya
Ibig sabihin, angat ka sa iba!…he-he-he!
Ok nga yun, astig…para bago kayo maka-graduate…mangilan-ngilan na lang kayo..sa sobrang hirap at dami ng subjects na pinagdaanan n’yo…he-he-he! ‘Di ba mas salang-sala, as in super strain! At least, ‘andun pa rin ‘yong quality kung saan talagang pwedeng makipagsabayan sa iba…at pwedeng-pwede mong maipagmalaki!
‘Ge! Matira matibay na lang!… Good luck, first year…
Yehey! ‘apos na! Inuman na! He-he-he!!!
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


