OPISYAL NA LATHALAANG-ONLINE NG PUBLIKASYON NG MGA MAG-AARAL NG KOLEHIYO NG INHINYERIYA SA PAMBANSANG PAMANTASAN NG KATIMUGANG LUZON (SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY), LUKBAN, QUEZON, PILIPINAS 4328
Don’t get lost!
Sunday, June 14th, 2009by Nelsie M. Luciñada
I just started with this remark but actually this is not a welcome note for you freshmen. It is an article of information about some special things that you need to know as a neophyte in this institution.
For sure, your first step here in Engineering Building will not be an ordinary as first time is always the worst especially when you start looking for the classroom of your schedules in your Registration Form. But as a pleasant welcome for you, you don’t have to worry about this anymore, because this is a main reason why this article has been written. It is for your sake, so that you will be fed of information about some special things here in our building, things that sometimes will put you into deep thinking even if these are naturally simple. These are the things that every engineering freshman must know.
(more…)
Swine flu
Saturday, June 13th, 2009by Marie Amiel A. Gagasa
Early this year, we have been threatened by this strain flu known as A (H1N1) influenza (formerly known as (“Swine Flu”) which is said to have originated from pigs. The outbreak had panicked consumers and restrained them from buying pork thinking they might acquire the virus, which is nothing but a fallacy. According to oregon.gov, you cannot catch swine flu from eating pork or pork products. Eating properly handled and cooked pork products are safe.
Frantically alarmed, the Philippines have made actions to avert the virus from entering the country. The Department of Health did put up thermal scanner stations at airports to detect those which are infected. However, these methods are not enough to block the virus. As of June 11, 77 cases had been confirmed by the Department of Health to surge in the Philippines. Due to this rash, some universities had moved the opening of the classes.
(more…)
Bago para sa mga bago
Friday, June 12th, 2009(the scholastic curriculum for 2009-2010)
ni Al Frederick D. Juanillo
Yeah…pasukan na naman!!!
Bagong school year…
bagong classmates….
bagong looks…
bagong mundong gagalawan para sa lahat…
Para sa lahat ng freshmen…kayo naman! He-he!
Lahat, bago. S’yempre, dahil bago nga lahat, kailangang magsimula rin tayo paminsan-minsan sa bago.
Kaya this year, inilunsad na ang mga pagbabagong magaganap dito sa ating university, especially sa curriculum ng College of Engineering. Mga bagong subjects: may ‘dinagdag, may binago at yung iba nag-disappear na nang tuluyan.
At kagaya nga ng isang fashion statement na nabaon na sa baul ng kalumaan, out na rin this year ang sinaunang curriculum na ‘yan. At in naman para sa mga bagong salta (a.k.a. freshie) ang bagong bihis na curriculum na ‘to (Take note: sa incoming first year lang!).
(more…)
Pagsipat kay Osmeña
Thursday, June 11th, 2009 ni John Cris J. Orenday
Sino ang hindi nagulat sa pagtaas ng 35-peso publication fee na ngayon ay 50 pesos na?
Isang semestre na ang nakakaraan nang simulang ipatupad ang pagbabago sa paniningil na ito. Inulan kami ng napakaraming tanong na isa lamang ang nais ipahiwatig…”Bakit?” mas pinili naming tumahimik at ilaan ang nalikom na pera sa dapat nitong kalagyan.
Bilang tagapamahalang patnugot na nangangasiwa sa pampinansiyal na transaksyon ng publikasyon na ito, batid ko ang mga kakulangang nakahahadlang sa aming tunay na mithiin.
Matatandaan na sa 35-peso publication fee, nakakapaglathala kami ng isang dyaryo, naglalaman ng mga artikulo na nililimitahan sa 12 pahina nito. Hindi lahat nabibigyan ng atensyon. Hindi lahat ay naipapahayag. Sa pagdaan ng panahon ay nakita naming kung paano nagbago ang interes ng aming mga mambabasa.
(more…)
Alterasyong paigtingan
Wednesday, June 10th, 2009
Yano!
Tatlong taon na rin pala ang tikom na nagdaan buhat nang umanib ako sa opisyal na publikasyon ng mga mag-aaral ng Kolehiyo ng Inhinyeriya sa Southern Luzon State University—The Spark.
Sa aking paglalagom at pagbubulay-bulay sa mga artikulo ko maging ng aking mga ka-isparkista na naipublisa sa The Spark, masusuring padaplis lang naming binaybay ang mga isyung panlipunan at pangkampus na siyang talagang kinakailangang maipabatid namin sa inyong mga mambabasa.
Dahil dito, nakapanghihinayang na sa nalalabing panahon na ipaglalagi ko/namin sa ating publikasyon e medyo hindi pa o hindi pa talaga ako/kami nakapag-aambag ng mga realisasyong sumesentro sa binabangaw na sistema ng ating bansa (o maari bang sabihing pati na rin ng ating unibersidad?). Ito marahil ang isa sa kongkretong dahilan kung bakit hindi masyadong madama ang presensya at eksistensya ng The Spark kahit man lamang sa Gusaling Marcelo H. Del Pilar.
Tunay na masakit lunukin ang matinik na katotohanan!
(more…)
Penge naman ako n’yan
Tuesday, June 9th, 2009ni Loraine E. Jimenez
11:45 am. ‘Di pa ko tapos. Malapit na ang lunchbreak at nagwawala na rin ang sikmura ko. ‘Di pa ko nakapag-agahan at kinailangan kong umalis nang maaga kanina sa bayan namin. Sa unahan ko’y dalawang estudyanteng inabot na ng tanghalian sa pila. Nakakatakam na siopao. Sa nag-aalboroto kong tiyan, napapasulayap na lang ako sa kinakain nila. Mga mata ko’y tila ba nagsasabing, “Penge naman ako niyan!”
Habang matiyaga akong nakapila para magpa-assess sa gusaling MHDP:
Student 1: Nakakainis!!!
Student 2: Talagang nakakainis na! Biruin mo, inabot ako ng apat na araw pag-ienrol. Eh ang perang ibinigay ng tatay ko ay saktong pambayad, pamasahe at pangkain lang sa loob ng isang araw. Ipinangutang na nga lang ‘yung perang bigay sa ‘ken , nakapangutang pa tuloy ako kay ________(pangalan ata ng kakalase) ng dagdag na panggastos.
Student 1: Ako nga may naghihintay pa na trabaho sa ‘ken sa ‘min.
Ako: Tsk!tsk!tsk!
(more…)



